Food

BUHAY PA ANG TUNAY NA MGA BAYANI! HUSTISYA PARA SA ATING MGA BUHAY NA BAYANI

Description
pamilya. Gising, Pilipinas! Himbing ng tulog ah! Bakit kaya? Inihele na naman siguro ang mga ito ng media na nagbubulag-bulagan upang isiwalat sa publiko ang magpapabango sa dignidad ng TAMBILOC, MARIA GIRLIE C. STEM12A6
Categories
Published
of 3
All materials on our website are shared by users. If you have any questions about copyright issues, please report us to resolve them. We are always happy to assist you.
Related Documents
Share
Transcript
  TAMBILOC, MARIA GIRLIE C. STEM12A6 BUHAY PA ANG TUNAY NA MGA BAYANI! HUSTISYA PARA SA ATING MGA BUHAY NA BAYANI! Sila ang nagpapakahirap  pero hindi sila ang nagpapakasarap. Sila ang kayod nang kayod ngunit bakit walang nangyayari sa kanilang buhay? Bakit hindi sila umaasenso? Sila iyong mga taong naghahangad ng magandang buhay sa kakarampot na pag-asang tataas ang perang makukuha nila mula sa limpak-limpak na kaban ng mga mararamot. Bobo, kung sila ay ituring ng mga taong hindi mo masasabi kung sapat ba ng kaal aman sa larangang kinabibilangan. Sila ‘yong mga taong masisigurado mo ang katalinuhan sa panloloko nila sa bayan. “Many of our farmers do not earn money because they do not have the pr  oper business sense.” Ayon kay S enador Cynthia Villar sa kaniyang libro na “Seeds of life.” Sa tagalog, sinisisi niya ang mga magsasaka kung bakit kakarampot lamang ang kanilang kita na ang pinupunto ay ang kawalang kaalaman ng mga ito sa negosyo na dahilan umano ng hindi nila pag-asenso. Ayon sa isang artikulo sa pahayagang Abante, bobo kung sila ay ilarawan ni Sen. Villar na para sa iba ay lubhang kagalang-galang! Ngunit hindi! Dapat nga  ba galangin ang isang taong hindi maalam rumespeto sa mga taong mababa ang estado ng  pamumuhay? Karapat-dapat nga bang maging senador ang isang tao na mailalarawan bilang gamahan at sakim na ang ninanais lamang ay ang paangatin ang sarili kahit apakan ang iba? Ito  ba ang may alam sa negosyo? Ito ba ang matalino para sa mga taong nakikisimpatya sa kanila? Tunay lamang na ang dapat maging bobo sa usaping ito ay silang mga gahaman na ang alam lamang ay ang manloko ng mga Pilipinong mamamayan para sa pansariling kagustuhan. Kung ang deskripsyon pala ng matalino sa negosyo ay ang kagalingan sa pagpapaikot ng mga tao,  panloloko at pagiging sakim, hindi talaga tayo uunlad bilang bansa dahil puros sarili lamang ang iniisip. Bilang isang Pilipino, tama ba ‘yon? Uulitin ko ang tanong, bilang isang tunay na Pilipino, kung ikaw ay makabayan o makabansa, tama ba ‘yon? Sa demokratikong bansang ito, alam natin na tayo ay mamamayan lamang ngunit tayo, kahit mamamayan lamang ay may kaniya-kaniyang karapatan. Sa demokratikong bansang ito, tayo ay mamamayan lamang ngunit  bakit hinahayaan na tapak-tapakan tayo ng mga mayayaman. Dinodominante tayo ng mga may kapangyarihan at tinatanggalan ng karapatan! Ang paglapastangan sa karapatan ay mali at  patuloy na magiging mali kung hindi itatama. Ang mga magsasaka. Sila ang aking idolo. Bakit? Dahil sa paulit-ulit ba namang hindi pagpapahalaga sa kanila, nananatili silang masipag para sa sari-sarili nilang pagpapahalaga sa kani-kanilang trabaho at pamilya.  Gising, Pilipinas! Himbing ng tulog ah! Bakit kaya? Inihele na naman siguro ang mga ito ng media na nagbubulag-bulagan upang isiwalat sa publiko ang magpapabango sa dignidad ng mga Politiko! Kung kayo ay may pakialam, huwag na kayong magbulag-bulagan! Ikaw? Ikaw! May pakialam ka ba? Ilugar mo ang iyong sarili sa naghihikahos na buhay ng ating mga magsasakang bayani. Sila na halos wala nang makain. Sila na pinanggagalingan ng ating bigas na halos limang beses ang presyo ng isang kilo nito kumpara sa palay na syete pesos kada isang kilo. Isipin mo ‘yon! Napakalaki ng kanilang iniaambag sa industriya ngunit kailan sila napansin? Ngayon lang kung kailan kaawa-awa na ang kalagayan nila. Tunay na nakakapanlumo ang sinabi ng isang amang magsasaka sa Nueva Ecija, "Baka sa pasko, mag-lugaw na lang kami ng pamilya ko. Hindi ko alam kung anong gagawin, kung sasali na ba ako ng NPA o magpapakamatay na lang.", nakakaawa. Bakit ba kailangang kawawain sila ng gobyerno? Bakit sila na nagpapakahirap magtrabaho ng marangal. Wala silang ginagawang masama. Bakit sila ang nagdurusa? Bakit hindi nalang iyong mga magnanakaw at mga nabubuhay sa panloloko at  pandaraya? Sa ngayon ay tila nanlilimos pa sila ng simpatya dahil mas pinakikinggan ng gobyerno ang ibang mga isyu kahit na higit namang importante ito. HIGIT NA MAS IMPORTANTE ITO! Importante dahil kung hindi masosolusyonan ay patuloy na magugutom ang mga magsasaka at ang kani-kanilang pamilya. Nakakaawa! Nakakapanghinang isipin na may mga taong nagdurusa kahit na ang hangad lamang nila ay puro kabutihan. Upang mas lalo kong maramdaman ang kanilang dinaranas, inilagay ko ang sarili ko sa posisyon nila, ang ating mga magsasakang bayani. Naranasan ko na magtrabaho noong bakasyon nang ako ay pumasa ay exam at interbyu ng SPES o Special Program for the Employment of Students. Mahigit sa 800 ang aking kalaban upang matanggap sa trabaho at isa ako sa mga sinwerteng makapasok. Tila ako ay biniyayaan nang ako ay mapadestino sa opisina ng Gobernador. Ibinigay sa akin ang gawain ng isang sekretarya at doon ay kita ko ang transaksiyon o ang paglabas-pasok ng pera ng Quezon. Sa loob ng 20 na araw ay nagtrabaho ako sa malamig na opisina ng Gobernador at nakatanggap ng sahod na sampung libo. Tunay na malaki iyon lalo na para sa akin na bihira makahawak ng ganoong halaga. Inisip at pinagkumpara ko ang sahod ko para sa 20 na araw at ang sahod ng mga magsasaka sa isang buwan. Sa aking pananaliksik, nalaman ko na sobrang liit kumpara sa akin ang kanilang isinusweldo. Ayon kay Alfonso Labrague na miyembro ng UP Politikons, may isang magtutubo sa Hacienda Raymunda sa Negros Occidental na nakakatanggap lamang ng 400 Pesos sa loob ng isang buwan na kung iisipin ay 13 Pesos lamang  sa isang araw. Isa pa ay si Nanay Lani na isa ring mangagawang bukid na kumikita lamang ng 86 Pesos sa isang buwan na halos 9 Pesos lamang kada araw. Tunay na nakakapanlumo para sa akin dahil pakiramdam ko ay hindi ganon kalaki dapat iyong sweldo ko. Ako ay sumweldo ng halos Sampung Libong Piso at ang isang araw ko ay ang isang buwan nila. Nakakalungkot isipin.   Bilang estudyante, hindi ko alam kung paano ako tutulong. Kung susumahin, parang ang ambag ko lang sa kanila ay ang simpatya at ang pakikisali sa pagkalat ng impormasyon sa social media para sa hangad ko na mas marami ang makaalam na kailangan nila ng tulong. Sa aking  pagiging kasapi ng pahayagang The Junior Luzonian, alam ko na ako ay may maitutulong. Noon ko pa nais gumawa ng artikulo para sa kanila dahil naniniwala ako na isang paraan upang makatulong ako sa kanila ay ang pagsisiwalat ng tunay nilang kalagayan upang makakuha ng simpatya. Oo, kailangan nila ang bawat isa sa atin dahil katulad ng isyu patungkol sa isang transgender na nadiskrimina nang siya ay hindi payagang magbanyo sa banyo ng mga babae, naging sobrang bilis ng aksiyon dito dahil sa mabilis ding pagdami ng nakisimpatya sa biktima kaya agaran itong napansin at pinakinggan ng ating gobyerno. Sa ngayon, napapansin naman ito ngunit hindi sapat kaya para sa akin ay kailangang mamulat ang bawat isa lalo na ang mga kabataan sa estado ng mga magsasaka sa kasalukuyan. Nais kong gumawa ng artikulo tungkol sa ating mga buhay na bayani at ilimbag ito sa pahayagan ng paaralan na kinabibilangan ko. Para saan ito? Para sa bawat kabataan na nag-aaral sa kapareho kong paaralan upang lahat sila ay maging mulat sa mga nangyayaring hindi makatarungan para sa ating mga magsasaka. Isa pa ay upang makakuha ng simpatya para agarang mapansin ito ng gobyerno at magawan ng aksiyon. Para saan? Naniniwala parin ako sa saad ni Jose Rizal, "Kabataan ang pag-asa ng bayan.", sa aking munting ambag, maipapakalat ko sa mga kabataan ang aking nais ipahatid na kailangan ng tulong ng ating mga buhay na bayani. Dahil sa bulok na gobyerno, maaaring makalipas ang ilang taon, kapag mga kabataang makabayan na ang nakaupo sa pwesto, hindi na mangyayari itong karumal-dumal na pagpapahirap sa mga magsasakang hirap na nga sa buhay ay pinahihirapan pa.  Nakakaawa, kaya lahat tayo ay kumilos! Ikaw, kayo, tayo ay may maiaambag! Sa munting gawa, malaki na ang maitutulong nito sa kanila. Sa pagtatapos nais kong mag-iwan ng mga katagang, BUHAY PA ANG TUNAY NA MGA BAYANI! Huwag nating hayaang mamatay silang kumakalam ang sikmura dulot ng kakapusan sa perang ipinagdadamot sa kanila. BUHAY PA ANG TUNAY NA MGA BAYANI! Abot pa ang hustisya para sa kanila.
Search
Tags
Related Search
We Need Your Support
Thank you for visiting our website and your interest in our free products and services. We are nonprofit website to share and download documents. To the running of this website, we need your help to support us.

Thanks to everyone for your continued support.

No, Thanks
SAVE OUR EARTH

We need your sign to support Project to invent "SMART AND CONTROLLABLE REFLECTIVE BALLOONS" to cover the Sun and Save Our Earth.

More details...

Sign Now!

We are very appreciated for your Prompt Action!

x